Zoren miyember na ng Highway Patrol Group!
Subhead: Hindi lamang pagiging artista at TV host ang kasalukuyang trabaho ng Kapuso actor na si Zoren Legaspi, ngayon ay parte na siya ng HPG.

Hindi lamang pag-aartista at TV host ang kinabibisihan ng Kapuso actor na si Zoren Legaspi dahil sa kasalukuyan ay proud siya na kasapi ng Highway Patrol Group o HPG.

Ibinahagi ito ni Legaspi sa kanilang recent episode ng “Sarap Di Ba?” kung ano ang trabaho at responsibilidad ng isang member ng HPG. Ayon sa actor ay pinaghirapan niya ang kanyang ginawa para makapasok sa grupo at masuot ang uniporme, na shinare na photo sa kanilang afternoon show.

Hindi raw madaling makapasok sa HPG ayon sa actor, “Yung mga civilian, hindi basta basta nakakapenetrate doon, sa selected civilian lang yung maaari. Ako ang isa sa mga lucky civilians na napasama sa grupo kaya pinaghirapan ko ito.”

Sa official website nt Official Gazette, nakasaad ang tungkulin at responsibilidad ng HPG patungkol sa traffic laws and regulations, safety sa mga kalsada at mga programa at reporma ukol sa national highway.

Leave a Reply

Your email address will not be published.