“You will know when the President is joking by using one’s common sense.”
Naging sentro ng pambabatikos ulit ang Presidente matapos nitong aminin na ang pangako niya noong Halalan 2016 na pag-protekta sa soberanya ng bansa laban sa China ay biro lamang pala, at tinawag pang bobo ang naniwalang siya’y magje-jet ski papuntang Spratlys Islands.
Upang magpahayag ng suporta sa Presidente, nagbitaw din ng mabigat na pahayag si Chief presidential legal counsel Salvador Panelo na, “You will know when the President is joking by using one’s common sense.”
Idinagdag pa niya, “He said that to dramatize the fact that he will not allow China to assault the sovereignty of this country. I think that was clear enough. For me, that was very clear during the campaign.”
Nanalo si Pangulong Rodrigo Duterte noong Halalan 2016 matapos mangakong pupuksain nito ang krimen at korapsyon sa bansa, pati na rin ang katapangan nito sa pag-aangking ginagawa ng China sa teritoryo ng Pilipinas.