“You can be part of the LGBTQIA+ and still believe in God and His gospel plan.”
Nag-come out na si David Archuleta, ‘American Idol’ star, bilang myembro ng LGBTQIA+ Community, at nagsabing pwedeng queer ka at naniniwala rin sa relihiyon mo.
Kwinento niya ang pinagdaanang kahirapan niya sa kanyang sekswalidad at faith sa isang note na binahagi sa official Twitter at Instagram accounts niya, na na-timing sa June na Pride Month.
Ani ni David, “You can be part of the LGBTQIA+ community and still believe in God and His gospel plan.”
Miyembro si David ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints at nagsabing sinubukan niyang baguhin ang sarili hanggang sa, “I realized God made me how I am for a purpose. And instead of hating what I have considered wrong, I need to see why God love[s] me for who I am and that it’s not just sexuality.”
Inamin niya pang open na siya sa sarili at sa pamilya tungkol sa kanyang sekswalidad, at nag-come out siya sa pamilya noong 2014. Nang maungkat kung ano ang specific identity niya, “Maybe a spectrum of bisexual.”
Binahagi rin niya na siya’y asexual na nakatulong ng labis sa desisyon niyang maghintay hanggang marriage bago gumawa ng sexual acts.
Nanawagan siya na maging mas compassionate at understanding ang mga tao sa LGBTQIA+ community at nagsabing, “I think we can do better as people of faith and Christians, including Latter-day Saints, to listen more to the wrestle between being LGBTQIA+ and a person of faith.”