Willie, Randy, at John nag-reunion sa Wowowin studio, inalala rin ang malimit na pagsususpinde ng MTRCB

Sa ika-60 kaarawan ni Willie Revillame nagsama sama ang magkakaibigan at “Magandang Tanghali Bayan” hosts na sila Willie Revillame, Randy Santiago, at John Estrada.

Kasama nila ay ang isa pang BFF na ‘mentor’ nila dati sa hosting sa nabanggit na dating noontime show.

Sa instagram page ni Randy Santiago nag-post siya ng litrato nila sa loob ng Wowowin studio.

Ani pa ni Randy sa caption, “Sa pagkakataong ito ay ipinagdiriwang namin ang ika-60 kaarawan ng aming kapatid na si Willie. Maligayang bati ‘Kuya Wil’ we love you!”

Kasunod nito ay binahagi rin niya ang litrato kasama sila Direk Bobot. Ani niya ulit, “MTB Boys kasama ang aming mentor, Direk Bobot! Sarap balik-balikan ang aming mga pinagsamahan!

Mga panahong tumatawa sa mg anakakatuwang kalokohan sa MTB at umiiyak dahil lagi kaming suspended ng MTRCB.”

Nagsama-sama sila Willie, Randy, at John sa dating noontime variety show na MTB sa ABS-CBN na umere mula 1998 hanggang 2005.

Leave a Reply

Your email address will not be published.