Willie – Hindi totoo ‘yan! Fake news lang, ‘wag tayong magpapaniwala!

Nagsalita na si Willie Revillame tungkol sa intrigang nabuntis niya raw si ‘Hipon Girl’ Herlene kaya ito nawala sa programang ‘Wowowin-Tutok to Win’.

Sa isang episode klinaro niya na fake news lamang ang balitang ito na bigla lamang sumulpot online.

Ani ng host, “Natsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo ‘yan, puro fake news ang ginagawa niyo.”

Pinag-iisipan na raw ni Willie na lumapit sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isyung ito upang mapatigil na ang pagsisulputan ng mga fake news tungkol sa kanya.

Paalala niya pa, marami raw umanong fake news sa ngayon kaya hindi dapat basta-basta na lamang nagpapaniwala ang mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *