WHO, pinayagan na ang emergency use ng Pfizer vaccine
COVID-19 Update: Tinanggap ng Department of Health (DoH) ang pag-issue ng emergency use listing ng World Health Organization (WHO) sa American pharmaceutical giant Pfizer Inc., at idinagdag na ito’y makapagpapabilis sa pag-apruba ng bakunang ito sa Pilipinas.
Sabi ng Health Secretary Francisco Duque III, ang WHO approval ay makakapag-ikli sa proseso na kukunin ng Food and Drug Administration (FDA).
Habang sabi naman ng FDA Director General Rolando Enrique DOmingo na ang ahensya ay maaaring mag-issue ng emergency use authorization para sa bakuna sa ‘soonest possible time.’
Idinagdag ni Duque na maaaring ang Pfizer vaccine ay mailabas na pagka-Marso.