“We’re studying it carefully and we are going to address it surgically. Rest assured, we will invest in HDI and minimum basic needs.”

Isa sa mga plano at isinusulong ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang Bilis Kilos campaign para sa paparating na May 2022 ay ang pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino.

Ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan na binabanggit ay ang edukasyon, kalusugan, pabahay, trabaho, at iba pa.

Pahayag pa ni Moreno, “In the coming days, we’ll present it to you — ‘yung ating tinatapos na platform of governance. We’re studying it carefully and we are going to address it surgically. Rest assured, we will invest in HDI and minimum basic needs.”

Pinaaalahanan din ni Moreno ang mga miyembro ng kanyang partida na maging marespeto sa lahat. Ani pa niya, “Kung gusto talaga natin magbago, hindi natin sila kailangang tularan. Pero hindi tayo takot sa kanila. Ang pagiging magalang, hindi kaduwagan ‘yun. Yung pagiging magalang, may mga pamamaraan para sagutin ang mga tolonges na ‘yan. I want you to be respectful to the point of view ng iba, but firm, fair.”

“I don’t think they really understand the situation of our constituency. They can only create a motherhood statement para makiliti ang mga tainga ng ating bayan. But we, in Aksyon, honest enough, selling prototypes, actions taken,” dagdag pa ni Moreno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *