“We’ll talk to Congress about a Bayanihan 3 and what it should contain.”

Sa kasagsagan ng paghihigpit ulit ng mga lugar na lubhang apektado ng bagong wave ng pandemya, ipinaalala ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi naman nila papabayaan ang mga Pinoy na maaapektuhan ang hanapbuhay sa pag-iimplementa ng ECQ.

Naghahanap na umano ng mga paraan sila Nograles upang mabigyan ng tulong ang mga residente ng Metro Manila na lubhang apektado ng mahigpit na community quarantine.

Anito, “We’ll work with Congress siguro on this. At one point we’ll have to talk to Congress about perhaps a Bayanihan 3 and what a Bayanihan 3 should contain. That’s something that we’re looking at as possibilities.”

Sa ngayon ay hindi pa sigurado kung hanggang August 20 nga lang ba ang ECQ ng Metro Manila, ngunit nagbigay na ring assurance si Nograles na patuloy na magmomonitor ng COVID-19 statistics at vaccination roll-out upang matukoy ang tamang gawin.

Idinagdag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na, “We will be closely monitoring and assessing if we still need to extend after two weeks or we can further de-escalate after two weeks depending on the number of cases.”

Matatandaan ding nauna nang ibinahagi ng National Economic and Development Authority na ang isang linggo ng ECQ sa Metro Manila ay nagco-cost sa ekonomiya ng aabot PHP 105B.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *