“We owe this technology to our people in becoming tools of accountability, crime fighting, and attaining justice”
Ipinarating ni Senator Grace Poe sa Philippine National Police (PNP) at Supreme Court (SC) na magtitiwala siyang gagamitin nila ng tama ang maayos na paggamit ng body-worn cameras at footages of police operations.
Nagpalabas si Poe ng pahayag na may kinalaman sa paggamit ng body cameras sa mga operasyon ng pulis, aniya, “We count on the wisdom of the Supreme Court magistrates to come up with guidelines that will consider with equal value the people’s constitutional rights and the unimpeded law enforcement by the police.”
Para naman umano sa PNP, sigurado naman daw na ang mga opisyales ay sumailalim sa maayos at legal na proseso ng pagbili sa mga body cameras.
Itinuro rin ni Poe na, “Any report of possible irregularities does not bode well on the use of the body cameras which are seen as potential equalizer to show the unvarnished truth during operations.”
Ipinararating din niya na, “We look forward to our police force nationwide finally wearing body cameras in their operations.
Guided by appropriate protocols, we owe this technology to our people in becoming tools of accountability, crime fighting and attaining justice.”
Maaalalang nagpalabas na ng pahayag si Chief Justice Alexander Gesmundo na ang SC ay maglalabas na ng guideline sa paggamit ng body cameras ng mga miyembro ng PNP. Isinisiguro umano nila na sila’y magtatakda ng balance sa pagproprotekta sa karapatan ng mga tao at sa obligasyon ng pulisya na mag-takda ng batas.