“We are not in the possession of the sea… walang mangyayari, kanila talaga eh, sa isip nila kanila.”
Kailan lang ay nag-daos ng Balikatan program ang ilang bahagi ng US at Philippine Marine Militia sa West Philippine Sea upang maengganyo nang umalis ang illegal Chinese fishing vessels na nandoon. Sa simula pa lang ng pinakahuling pangha-harass ng mga Intsik, wala pa ring binibitawang salita si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol dito.
Ngunit sa kanyang pinakahuling televised Cabinet meeting, nagbitaw na siya ng pahayag. Ani ni Duterte, “Maski na ilang balik natin dun wala mangyayari because we are not in the possession of the sea… Even if you go there and claim it, walang mangyayari, kanila talaga eh, sa isip nila kanila.”
Idinagdag nito na, “We can retake it only by force, there is no way that we can get it back ‘yan tawag na Philippine Sea without any bloodshed.”
Maaalalang ito ang parehong Duterte noong 2016 Presidential Elections na buong tapang na nag-anunsyo sa national television na kung siya ang magiging Presidente, siya ay magje-jetski papunta sa Spratlys at habulin paalis ang mga illegal Chinese settlers doon.