“We all know that during this pandemic, it’s important for every family member to be healthy.”
Nagsagawa at pinanangunahan ni Karlo Nograles ang isang food donation drive at feeding program sa mga bata ng Agoncillo, Batangas kasama ang partners mula sa Pilipinas Kontra Gutom at Rise Against Hunger.
Ayon sa kanya, mahalaga na lahat ng tao ay may masustansiya at abot-kayang pagkain at regular na exercise upang maiwasang magkasakit at madapuan ng impeksiyon.
Ani pa ni Nograles, “We all know that during this pandemic, it’s important for every family member to be healthy.”
Iginiit din niya na kailangan magtulungan ang lahat para mapagtagumpayan ang programa at makamit ang layunin nito. “We would not stop in our advocacy, education and food distribution efforts, especially during this crucial pandemic period,” dagdag pa niya.