“We aim to improve the lives of our beneficiaries by transferring them to safe areas.”

Malugod na ibinalita ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kailan lang ay naipamahagi nila ang 1,279 na bagong libreng pabahay para sa mga Yolanda-affected areas ng Escalante City, Negros Occidental.

Ito’y sakop ng Task Force Yolanda kasama ang partisipasyon ng National Housing Authority at ng mga lokal na opisyales.

Pahayag ni Nograles, “We aim to improve the lives of our beneficiaries by transferring them to safe areas and providing them a sturdy roof over their heads, with the promise of transforming their lives for the better not only with free housing but also with social and economic safety nets in place.”

Sa kasalukuyan, habang ang Task Force ay nasa ilalim ng pamumuno ni Nograles ay nakapagbahagi na ng 45,348 na pabahay sa mga benepisyaryo ng Region 6.

Ibinida ni Nograles na ang mga housing sites ay magkakaroon ng multi-purpose covered courts na mayroong training centers at community facilities na magagamit ng lahat.

Idinagdag niya na lalagyan rin ang mga ito ng community gardens na magiging food source ng mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *