Walang tulugan at Bilis-Kilos ang bakunahan para mabilis rin ang pagbangon!

Bilang pagtugon sa papataas na bilang ng kaso ng mga biktima ng pandemya, patuloy pa rin ang operasyon ng 24/7 Vaccination ng Lungsod ng Manila na pinaglalaban ni Isko Moreno Domagoso sa pagiimplementa.

BilisKilos ang ipinapairal sa kasalukuyan ng lokal na pamahalaan, na nagpapakita sa pagiging proactive ni Domagoso sa pagbibigay ng solusyon sa mga problemang kakaharapin ng kinakasakupang lungsod.

Sa ngayon nasa University of Santo Tomas ang 24/7 vaccination site, at marami sa mga volunteers at staff ay galing sa UST medicine. Kasama ang mga volunteers sa nagaadminister ng pambabakuna.

Mauunang iscre-screen ang mga pupunta at titingnan kung kasali ba sila sa priority – A1-A5. Matapos noon ay imemedical check ka nila, at matapos nito’y deretso na sa vaccination site kung saan ka makakakuha na sa jab mo. Walang makikitang pila sa lugar, at ang mga pumupunta’y nakarehistro dahil bawal ang mga walk-in.

Inoobserba ng lahat sa loob ng UST site ang minimum health protocols – pagsusuot ng mask, malimit na pag-alcohol ng kamay, at pagsusuot ng face shield upang masiguro ang isang maganda at malinis na operasyon.

Matapos makuha ang bakuna ay mayroong 15 minutes na holding area para sa mga nabakunahan para maobserba kung mayroon bang magkaka adverse effects sa nakuhang bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *