Walang sama ng loob at pagsisisi sa pagkabigo sa pagsungkit ng ika-5 Miss Universe crown ang kandidata!

Ibinahagi ni Rabiya Mateo na wala siyang sama ng loob at pagsisisi sa hindi pagkamit ng pangarap na maiuwi ang ika-5 Miss Universe crown para sa Pilipinas sana.

Ang mensahe pa nito, “Actually it’s just gonna be one girl who’s gonna be crowned, but I know in my heart, everyone of us, we are alright even without that crown.”

Ang pinakamalayong naabot ni Rabiya ay ang placement niya sa Top 21 ng kompetisyon.

Matapos ang event, nag-Instagram live kaagad ang kandidata kasama si Lenka Nemer D’rpic na Miss Bolivia kung saan naikwento niya ang karanasan sa pageant.

Ani ni Rabiya, “This is like a start, a beautiful start for something new.

I think I was telling the girls, the crown is just a few months or a year maybe. But friendship, us, is going to be for life.”

Malaki ang pasasalamat ni Rabiya para sa pagkakataong naibigay sa kanyang mai-represent umano ang bansa. Idinagdag nito, “This is really a great opportunity for all the girls and we are happy to be here. Thank you so much for your support.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.