“Walang puwang ang pagiging kampante habang natutulog ang ating mga kababayan nang kumakalam ang tiyan.”

Ipinapanawagan ni Senator Grace Poe sa Department of Agriculture (DA) na pataasin ang scale ng local agricultural production upang malabanan ang kagutuman ng maraming Pilipino na nagdudusa rito.

Aniya, “Nagugutom ang ating mga mamamayan. Nakakabahala ang reyalidad na ito para sa isang bansang agricultural.”

Ipinuna ni Poe ang huling survey ng Social Weather Stations na nagpapakitang ang bilang ng mfa pamilyang nakaranas ng pagkagutom ay umabot ng 4.2M nitong Mayo, na mas mataas kung ikukumpara sa naitalang bilang noong Nobyembre 2020.

Itinawag niya rin sa pansin kung paanong ang sektor ng mga magsasaka ay patuloy na lumiliit sa kabila ng bilyong ibinibigay sa agricultural na sektor ng bansa.

Iginiit niya na ang leadership sa DA ay mahalaga at kung ito’y nasa ka bilang panig ng mga magsasaka at iba pang producers, lalala lamang ang mga pagsubok na kakaharapin ng industriyang ito sa bansa, na direktang makapagpapalala rin sa antas ng pagkagutom.

Ani pa ni Poe, “Malinaw na ipinakita ng mahabang pila sa mga community pantry and kawalan at kakulangan ng pagkain ng ating mga kababayan.”

Bilang pagtatapos, idinidiin niya ulit na, “Walang puwang ang pagiging kampante habang natutulog ang ating mga kababayan nang kumakalam ang tiyan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *