Walang pag-aaral na nagpapatunayng nakakapagbigay ito ng dagdag proteksyon kontra COVID-19
Ipinagtataka ni Senador Risa Hontiveros at Senate President Vicente “Tito” Sotto ang pagpipilit ng IATF na magsuot ng face shields na pinatungan ng face masks sa kabila ng kawalan ng scientific basis para sa polisiyang ito.
Ang komentong ito ay sumunod matapos ang kaguluhan sa palasyo, na nagsabing kailangang suotin pa rin ang face shield na sinundan ng taliwas na anunsyong hindi na ito kailangan kung nasa labas.
Sa isang video message, nagsabi si Hontiveros na, “It is clear from studies that the use of face shields should be optional.”
Idinagdag pa niya na epektibo lamang umano ito sa mga piling sitwasyon, at aniya, “But to insist on their general public use, that is no longer right.”
Patama pa niya, “I don’t know where the administration’s enthusiasm to force us all to wear face shields comes from.”
Habang si Sotto naman ay nagpahayag na ang mga dokumentong ilinasa ng Department of Health ay nag-babanggit ng mga pag-aaral na hindi conclusive kung may proteksyon nga bang naibibigay ang face shields.
Matatandaang noong nakaraang Linggo, nag-relay si Sotto ng mensahe umano ng pangulo na sa mga ospital na lamang ito kinakailangan. Sinuportahan din ito ng DOH na nagsabing ang face masks ay kailangan lamang indoors at sa mga matataong lugar.
Idinagdag pa ni Sotto na pinapatunayan nga ng mga dokumentong isinumite ng DOH na walang ibang bansa ang nag-require sa buong populasyon nitong magsuot ng face shields at face masks ng sabay.