“Walang nilabag na batas sa pagsali sa showbiz noong bata pa siya at sa pag-pose ng sexy photos.”
Dinepensahan ni Cavite Governor Jonvic Remulla si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos magdusa ang huli ng kritisismo para sa mga sexy photos niya noong siya pa’y actor ng 90s.
Ani ni Remulla, “Domagoso did not break any laws by joining showbiz in his youth nor by posing sexy in photos.”
Idinagdag pa nito na, “Yorme did not do those provocative poses while in office as a respected councilor, vice mayor, or as the current Manila Mayor.
Hindi ito isyu. What’s important is that Yormer NEVER LIED, DID NOT STEAL, KILL nor did he ever brought shame to the great people of Manila as a public servant.”
Walang nabanggit na kritiko si Remulla ngunit mainam tandaan na nauna nitong Linggong ito ay binatikos ni Pangulong Duterte ang Metro Manila mayor dahil mukha umano itong ‘call boy’ dahil sa half-naked photos na kumakalat online.
Bilang pagtatapos, ani ni Remulla na, “Ang paghatol sa kalaban sa pulitika ay dapat tungkol sa kanyang kakayanan bilang Serbisyo Publiko at hindi paninira lamang base sa kanyang nakaraan.”