Walang Manileñong mapag-iiwanan sa panahon ng pandemya lalo na sa larangan ng edukasyon!

Simula ng maupo si Francisco “Isko Moreno” Domagoso bilang alkalde sa lungsod, mas napabuti ang pamumuhay ng mga taga-Maynila. Tuloy-tuloy pa rin siya sa paglilingkod at pagpapabuti sa lahat ng aspeto lalo na sa larangan ng edukasyon hindi lamang para sa lungsod, kundi para sa buong bayan.

Kabi-kabilang mga #BilisKilos na mga programa ang inilunsad nito para sa kapakanan ng mga Maynilenyo lalo na sa larangan ng pagbabahagi ng karunungan. Higit 57,622 na karagdagang Android tablets at laptops ang ipapamahagi sa mga estudyante ng Maynila na makakatulong sa kanilang pag-aaral sa gitna ng pandemya, lalo na sa pinapatupad na blended distant learning set-up. Ang data allocation din ng lungsod ay tinaasan mula 10GB to 20GB para masuportahan ang bawat estudyante at mga guro. Nais ni Moreno na magkaroon ng kalidad na edukasyon ang mga kabataan sa kabila ng pandemyang hinaharap ng bansa.

Tunay na walang napag-iwanang Maynilenyo sa gitna ng pandemya at matagumpay na naitupad ni Moreno ang kanyang pangako sa mamamayan. Bawat hakbang na kanyang ginagawa ay naglalayon na masuportahan at mapabuti ang kapakanan ng lahat kaya naman madami ang humahanga at nagtitiwala na sa pamumuno ni Moreno, aangat ang Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *