Walang katotohanan na si Moreno ay isang komunista, ayon na rin sa pahayag ni Jose Sison!

Magugunita na personal nang itinanggi ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso noon ang mga akusa sa kanya na siya ay isang komunista. Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin ang nagpapakalat na ito ay totoo.

Ayon sa mga paratang kay Moreno, kasapi umano siya sa NPA dahil sa mga larawang kumalat noon sa internet. Napag-alamang ang mga larawan ay edited at altered kung saan ang mga military ay kinacrop ng mga spinmasters mula sa kabubuang litrato at puro CPP-NPA-NDF lamang ang ipinapakita. Mahihinuha na nais nitong mapaniwala ang mga mamamayan na siya ay isang komunista at nais nitong siraan ang reputasyon ni Moreno.

Pahayag pa ni Moreno, “Ingat kayo. Pag naupo yang mga yan, ‘yang mga nagsisinungaling sa kasaysayan.. nako jusko.. ang bawi niyan satin grabe.”

Nagpahayag na din si Jose Sison ng kanyang opinyon at dinepensahan nito si Moreno sa mga nagpapasama dito. Ayon kay Sison, ang mga bintang na si Moreno ay isang komunista ay pawang kasinungalingan lamang na sumisira sa reputasyon nito.

Ani pa ni Sison, “The claim against Isko Moreno that he is a communist is a brazen lie by the propaganda agents of some of his political rivals. It is unfair and unjust to both Isko who denies being a communist and the Communist Party of the Philippines which has a high ideological, political, and organizational standard for membership.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.