“Wala kayong future diyan sa kabila. Charot!”

Kailan lang ay nag-tweet si Vice Ganda na nagsasabing, “Ang kapal ng mukha ng mga taong nagsasabing nauubos na ang mga Kapamilya artist. Kung diyan kayo masaya, bahala kayo basta sinabi ko na dati pa, wala kayong future diyan sa kabila. Charot!”

Agaran nitong binura ang nasabing tweet, ngunit dahil sikat na sikat si Vice ay marami ang nag-screenshot nito. Marami ang nag-tweet ng kani-kanilang screenshot ng maintrigang tweet ni Vice, at umani ito ng mga hindi magagandang reaksyon mula sa netizens dahil halatang pumapatungkol ito kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo!

Mayroon namang nakalagay na ‘Charot’ sa dulo ng tweet, na nagpapahiwatig na nagbibiro lamang siya. Ngunit tinanggal din siguro ni Vice ito dahil marami na ang nag-react at gusto lang umiwas sa stress.

Leave a Reply

Your email address will not be published.