“Wala akong time para sa mga nega, nag-aalaga ako ng baby!”

Rumesbak si Meryll Soriano sa mga bashers nila ng partner na si Joem Bascon.

Inaatake kasi ito ng mga negatibong komento sa nature ng pagkakabalikan at pagkakaroon agad ng anak, dahil may long term girlfriend si Joem.

Aminado si Meryll na marami nga ang mga may negatibong opinyon tungkol sa ama ng anak, at na nababasa niya ito. Ngunit imbes na pagtuunan ito ng pansin at stress, mas pipiliin na lang daw niyang asikasuhin ang pamilya.

Ani niya sa isang tv interview tungkol dito, “Wala akong time for it. Nag-aalaga ako ng baby, masaya ang buhay.”

Naexperience na raw niya ang postpartum depression sa unang anak na si Eli, ayaw daw niyang maulit ito ngayon.

Idinagdag pa niya, “Dedma na lang, ‘di ko na ine-entertain. Di mo na hahayaan makaapekto sa’yo kasi delikado yun sa mental health ko.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.