“Wala akong obligasyon na magsinungaling sa bayan ko.”

Iginigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapat ang gobyerno sa mamamayang Filipino tungkol sa progreso at kalagayan ng bansa laban sa COVID-19.

Tandaan daw ang sinumpa niya sa opisina na nagtakda sa kanyang hindi magsinungaling sa masa.

Ani ni Duterte, “”Ngayon sinasabi ko I am giving you the guarantee na hindi kami magsinungaling at hindi kami magtimpla-timpla ng sa totoo para lumabas ang ganda.

We have no business lying to you. Wala akong obligasyon na magsinungaling sa bayan ko. Bayan ko rin ito. At bakit ako magsinungaling eh para man ito sa lahat.”

Idinagdag nito na ang mga paninira laban sa kasalukuyang administrasyon ay gawa-gawa lamang ng oposisyon.

Nitong nakaraan lamang ay patuloy na binabaha ang administrasyong Duterte ng kritisismo galing sa mga myembro ng oposisyon at abiso sa kung paano nila mapapabuti ang kalagayan ng bansa kontra COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published.