“Wag natin silang sagarin at itulak sa kalsada para mag-protesta o mag-resign.”
Nananawagan si Senator Grace Poe na dapat nang matanggap ng medical frontliners ang nararapat na benepisyo at bayad na matanggap nila para sa kontribusyon nila laban sa pandemya.
Pahayag ni Poe, “Wag natin sila sagarin at itulak sa kalsada para mag-protesta o mag-resign.”
Inalala niya ang mga mandato ng Bayanihan law na nagsasabing hindi lang special risk allowance ang matatanggap ng mga frontliners, kung hindi pati na rin hazard pay, accommodation, transportation, at meals na makakatulong sa kanilang ipagpatuloy ang laban nila kontra sa virus.
Ipinuna niya rin kung paanong ang special risk allowance ay hindi lang dapat limitado sa mga workers na mayroong direktang contact sa COVID-19 na mga pasyente. Ani niya, “In a pandemic, hospitals and health facilities are dangerous battlegrounds for all health workers, and they all deserve social benefits.”
Panawagan niya sa gobyerno, “The government must not shut its eyes to the woes of our medical frontliners and leave them groping in utter disillusionment.”