“‘Wag i-quarantine pati ang karapatan ng mga tao na bumoto”

Nitong Lunes nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Commission on Elections (Comelec) na i-extend ang voter registration, lalo na sa mga lugar na isasailalim sa napakahigpit na 2-week Enhanced Community Quarantine (ECQ)

Ipinuna niya paanong ang mga first time voters ay malamang hindi pa nababakunahan dahil hindi pa eligible sa kasalukuyang measures, kaya sayang ang 14 days na hindi sila makakalabas ng bahay upang magpa-rehistro.

Ang Metro Manila ay isasailalim sa ECQ mula August 6-20. Habang ang voter’s registration ay matatapos ngayong September 30.

Habang wala pang reaksyon galing sa Comelec, iginigiit lang lalo ni Hontiveros ang panawagan niya na ang mga pagsubok na ibinigay ng pandemya ay dapat ding maikunsidera.

Ani pa nito, “I agree that deadlines should be observed. But hopefully in this case, Comelec can make one last necessary extension.

Huwag naman sana i-quarantine pati ang karapatan ng tao bumoto.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *