Virgin Coconut Oil, Faceshield, Hygiene Kit at T-shirts para sa Tacloban residents!

Umabot nang Tacloban City, Region 8 ang handog na tulong ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagdala ng VCO treatments na magagamit ng mga COVID-19 victims.

Dala-dala ng team nila’y Virgin Coconut Oil, T-shirts, Faceshields, at Hygiene Kits na ipinamahagi sa mga residente ng siyudad.

Ang mga ito’y unang inabot kay Mayor Alfred Romualdez, at kasa-kasama niya’y si Sec. Eduardo del Rosario sa pamimigay ng donasyon.

Maaalalang naglabas ng pag-aaral ang DOST na ang Virgin Coconut Oil ay napatunayang nakakatulong makabawas sa sintomas ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published.