Vice Ganda: Charot charot lang naman ‘yon, talagang deserving naman

Nagsalita na si Vice Ganda patungkol sa mga naniniwalang siya ang ‘bertud’ ng mga Miss Universe candidates ng Philippines bago sumabak sa mga kompetisyon.

Bumida kasi ang biro niya dati tungkol kay Mary Jean Lastimosa na natalo sa 63rd Miss Universe na, “Si MJ Lastimosa lang pala ang di nag-GGV bago sumabak sa Miss U. Di ko napadala ang bertud.”

Si Pia Wurtzbach, ang Miss Universe 2015, at Catriona Gray, ang Miss Universe 2018, ay parehong nag-guesting sa Gandang Gabi Vice bago dumalo sa kompetisyon.

Ani pa ni Vice,” Charot charot lang naman ‘yon na kaya sila nanalo dahil binigyan ko sila ng pa-bertud, pero talagang deserving naman, mahuhusay naman talaga.”

Idinagdag pa ni Vice na ang 66th Miss Universe candidate ng bansa na si Rachel Peters ay naging bisita niya noong 2017, ngunit hindi pinalad mapanalunan ang korona.

Sa kasalukuyan hindi nakapag-guesting si Rabiya Mateo, ang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe ng taong ito, dahil na rin sa mga limitasyong dala ng pandemya.

Ngunit ani na rin ni Vice, “Even Rabiya, I have very high hopes for Rabiya.

Naniniwala naman ako na kayang-kaya. She’s very talented, she’s very gifted, she’s special, at kayang-kaya niya ‘yon.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.