Verbally harassed ang isang Pinoy sa subway ng New York City dulot ng pagtaas ng hate crimes against Asians sa bansa

Kasabay ng pagtaas ng kaso ng hate crimes kontra Asians sa United States of America, isang Filipino a naman ang nabiktima ng verbal harassment with the use of racist remarks.
Sa video na nakuha ni Alex Vidal, nilapitan siya ng isang lalaki na nagsesermn tungkol sa mga Asians, partikular na ang mga Intsik.
Ani pa ni Vidal, “Papunta na sa direksyon ko at tsaka sabi ko, hindi na ibang ano ‘yan, pinaparinggan niyan, ako na, kasi tumitingin na siya sakin tsaka minumura na niya ako.”
Hindi nalang umano siya nag-react at nagdesisyong video-han ang pangyayari, ngunit nanatiling alerto kung sakaling pisikalin siya ng lalaki.
Noong Pebrero maaalalang ang isa pang Filipino na si Noel Quintana ang naatake rin sa New York City subway. Kinailangan nitong magpatahi sa mukha matapos ma-slash ng blade sa mukha.

Leave a Reply

Your email address will not be published.