Vaccine Passports para sa mga nabakunahan na, gagawing digital ng administrasyon!

Ipinaalam ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nasimulan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pag-asikaso sa pagbuo ng common Digital ID na magiging pruweba ng isang vaccinated person na sila nga’y nabakunahan na.

Mayroong unique QR Code ang bawat Pilipino kalakip ng digital ID na ito, na kalauna’y maiimplementa na sa buong bansa. Ngunit sa ngayon, ang mga LGUs lang ng bawat lugar ang nag-iisyu ng ID Cards para sa mga residenteng may panangga na kontra COVID-19.

Ang mapapaloob ng ID card ay pangalan ng holder, birth date, vaccine brand, vaccine administrator, atbp.

Sa ngayon umano, kinukunsidera ng Inter-Agency Task Force (IATF) kontra COVID-19 kung magbibigay ba ng insentibo para sa mga fully vaccinated people, bilang panangga sa vaccine hesitancy.

Ang pagiimplementa ng digital ID ay tugon ng bansa sa panawagan ng World Health Organization (WHO) na magkaroon ito ng common digital vaccine passport.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *