Vaccine deployment, hindi raw mabagal, kundi SUPER BAGAL!
Dismayado si Manila City Mayor Isko Moreno sa kabagalan umano ng vaccination deployment sa buong bansa.
Ani pa nito sa kanyang televised video speech, “Unreliable na ‘yung supply sa mundo, unreliable pa ‘pag dumating na dito. Kasi ang bagal, ako na po nagsasabi sa inyo, hindi po mabagal, SUPER BAGAL.”
Idinagdag pa nito na ang mga bakunang dumating galing China at sa COVAX Facility ay nakatambak lamang sa storage units ng gobyerno at hindi man lang nadadama ng Manila.
Kitang-kita na frustrated si Mayor Isko habang sinasabing, “Hindi ko alam kung pinatutubuan pa nila sa kanilang refrigerator ‘tong mga bakunang ito…
There must be somebody who must be liable. Because if you believe that vaccination is the solution to restart the economy, ang bakuna hindi dapat pinapatagal sa kung saan-saang bodega.”
Bilang tugon sa hinaing ni Mayor Isko nagpahayag si Health Secretary at National Vaccination Operating Chairperson na si Myrna Cabotaje na kailangan i-allocate ang natatanggap na bakuna sa buong bansa.
Ibinahagi rin ni Cabotaje na ang Manila at ibang high-risk cities ay makakatanggap ng additional doses.
Ngunit batay sa kalkulasyon ng ilang data analytics na ang 50 Million target population ng gobyerno ay sa 2025 pa makukumpleto kung ang vaccination progress ay kasing-bagal ng sa kasalukuyan.