Uutusan umano ni Duterte ang NTC na hindi bibigyan ng lisensya ang ABS-CBN kahit na ito’y bibigyan ng prangkisa ng Kongreso
Ipinaalam ni Pangulong Rodrigo noong Lunes na kahit bibigyan ng Kongreso ang ABS-CBN ng prangkisa, haharangan niya ang operasyon nito gamit ang National Telecommunications Commission (NTC).
Idinagdag niya na gagawin niya ito hangga’t hindi binabayaran ng pamilya Lopez ang mga bayarin nito.
Ani ng Presidente, “Congress is planning to restore the franchise. Wala akong problem kung i-restore ninyo but I will not allow them to operate. I will not allow the NTC to grant them the permit to operate.
Unless and until mabayaran ng mga Lopez ang taxes nila, I will ignore your frnachise and I will not give them the license to operate.”
Habang ang Lopez Holdings Corp. naman ay nagpaalam na noong 2017 na,” Lopez Holdings Corp. does not have any unpaid obligations to the Development Bank of the Philippines or other government financial institutions.”
Maaalalang nag-off air ang ABS-CBN noong Mayo 2020 matapos mag-expire ang 25 year legislative franchise nito. Noong Hulyo nag-boto ang House of Representatives na hindi ito bigyan ng bagong prangkisa.