Uunahin muna ng OVP ang pagsasaayos ng organization, technical issues, at backlogs ng mga naunang araw ng programa!

Inanunsyo ng Opisina ng Bise Presidente na hindi muna sila tatanggap ng bagong requests para sa kanilang “Bayanihan E-Konsulta” program ngayong araw, ika-12 ng Abril, dahil gusto nilang ayusin at ma-integrate ang external volunteers, isaayos ang mga technical issues ng programa, at matapos na ang mga backlogs ng mga naunang araw.
Hindi umano nila inaasahan ang surplus ng requests para sa konsultasyon.
Ipinaalam rin ni VP Robredo na tatanggap ang opisina niya ng bagong mga requests sa Abril 13 ng alas-7 ng umaga.
Ani ni VP Robredo, “Sobrang overwhelming ang support at sobrang overwhelming din ang dami ng requests na pinaabot sa atin. Patunay ito na kailangan natin ng ganitong uri ng serbisyo.
Kailangan naming ng kaunting oras para habulin at tugunan muna ang lahat ng pumasok na request.”
Ang Bayanihan E-Konsulta ni VP Leni Robredo ay isang libreng teleconsultation service sa Facebook na naglalayong matulungan ang mga pasyenteng positibo sa COVID-19 at iba pang diseases ng NCR+ na makakuha ng angkop na medical attention.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *