Unang pagsabak ng anak para sa lock-in taping, ikinalungkot ng mag-asawang Carmina at Zoren.

Aakalain mong eksena sa pelikula o teleserye ang nangyaring pamamaalam ni Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa anak na si Mavy para sa unang pagsabak nito sa lock-in taping.

Nagkaiyakan pa ang dalawa bago ihatid ang anak sa unang beses nitong pagkakawalay sa kanila ng matagal na panahon.

Sa Instagram Account ni Carmina nag-post ito ng maikling video at ilang mga litrato kung saan siya umiyak habang yakap ang anak at nagpapaalam.

Ani pa nito sa caption, “All grown up! Time for you to spread your wings my forever baby boy Mavy. Always remember that we are here for you and we are all proud of you!”

Isa si Mavy sa mga cast members ng Kapuso series na ‘I left my Heart in Sorsogon’ na mayroong scheduled lock in taping.

Leave a Reply

Your email address will not be published.