Unang Filipina boxer na nagpanalo ng Olympic Bronze para sa Pilipinas!

Ipinakitang gilas ni Nesthy Petecio na siya nga ang 2019 world champion sa pagkakasiguro niya ngayon ng Bronze Medal sa Women’s boxing.

Nitong July 28 lamang ay kinaharap ni Nesthy si Yeni Marcela Arias Castaneda ng Colomboa para sa featherweight quarterfinal, kung saan siya nanalo sa unanimous decision.

Sa pagkapanalo niyang ito, siya ang unang Filipino boxer na nakasiguro ng podium finish sa Tokyo Games. Siya rin ang unang Olympic medalist mula sa pagkapanalo ni Onyok Velasco noong 1996 ng silver medal.

Ito rin ang unang beses sa 89 na taon mula ng huling manalo ang Pilipinas ng multiple medals sa Olympics.

Leave a Reply

Your email address will not be published.