Unahin ang mga local workers na kaya namang gawin ang serbisyo at may skills!
Matibay na dinedepensahan ni Senator Grace Poe ang ipinaglalaban niyang pag-amyenda sa Commonwealth Act 146 o ang Public Service Act (PSA).
Napapaloob sa Senate Bill 2094 ang apela niyang ito, na naglalayong maisulong ang paglilimita ng employment for foreigners sa 25% ng isang public utility company, at 40% limitasyon din sa pagmamay-ari sa mga ganitong kompanya ng mga dayuhan din.
Ani pa ng Senadora, “This is a safeguard in the same way that we have in our trade liberalization. We have to have certain safety measures. We have to make sure that when a foreign company sets up here that they prioritized our local workers, especially if they have the skill to provide the service that they need.”
Ang mga public utilities in question ay ang mga nasa sektor ng power distribusyon, transmission, water distribution, at sewerage services.
Bilang tugon dito, ipinuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang kwestyon ay nasa Department of Labor and Employment (DOLE) kung naimomonitor nga nila ito ng maayos para ma-safeguard at masigurong mayroong trabaho ang mga Pilipino gaya ng nasa batas.
Atake niya sa isinusulong ni Poe na mayroon nang mga batas na kailangan lang mapatupad ng tama dahil, “To me it’s a question of enforcement rather than putting all kinds of rules because it is so difficult to amend the law.”