Umapela si Sen Grace Poe sa Energy Regulatory Commission (ERC) na ibalik sa mga consumers ang meter deposit imbes na i-forfeit ng pamahalaan.
Umapela si Senator Grace Poe sa ERC na huwag i-forfeit ang meter deposit na nagkakahalaga ng P314 M at dapat na ibalik sa mga consumers.
Ayon kay Poe kailangang maging sensitibo ang pamahalaan sa pangangailangan ng taumbayan lalong lalo na na nagmamahalan ang mga bilihin sa ngayon. At kailangang ibalik ito dahil pagmamay-ari ito mismo ng mga tao.
Ito ay ayon sa Magna Carta ng Residential Electricity Consumer na i-exempt ang mga residente sa pagbabayad ng meter deposit simula noong 2004. Noong 2006 naman ay naapruba ang pag-exempt din sa mga non-residents.
2008 nang magsimulang mag refund ang ERC ng sa pamamagitan ng cash, credit, o do kaya ay check. Ngunit sa naging report nito noong Sept 2020, mayroon pang P314 M na hindi naki-claim ng mga tao.
Ayon sa kay Poe ay maaaring tulungan ng Meralco ang ERC sa paghahanap ng mga consumers na hindi pa nakuha ang meter deposit nila via paglilista ng mga taong magki-claim sa website nito.
Bingyang diin ng senadora na sa hirap ng buhay ngayon ay dapat na hindi ipagkait sa kanila ang kanilang pera.