Umakto kaagad sa depensa ng Pangulong ‘exasperated’ lamang noong nagbabanta sa mga ayaw magpa-bakuna

Ipinapaalam ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pagbabala ng pagkaka-aresto sa mga tumatangging magpa-bakuna’y resulta lamang ng ‘exasperation’ niya at hindi aaktuhan.

Ani ni Nograles, “As far as arresting those who won’t get vaccinated, we have no such policy.”

Idinagdag niya, “When the President said that, I think he already explained that he said it in the context of, as it were, a sense of exasperation.”

Hindi umano siguro naiintindihan ni Duterte ang mga kababayang tumatangging magpa-bakuna dahil nandiyan na ang oportunidad upang ma-protektahan laban sa virus ngunit hindi ito inaaktuhan.

Maaalala nating si Pangulong Duterte ay may maanghang na mensahe para sa mga ayaw magpa-bakuna. Ani nito, “If you don’t want to get vaccinated, I will have you arrested. And I will inject the vaccine in your butt. [Insert his slur of curses] You are pests. We are already suffering and you’re adding to the burden.”

Maraming opisyal ang nagbitaw ng kritisismo kay Duterte at pinunang mas malaking problema ang kakulangan ng vaccine supply, pati na ang kabagalan ng distribusyon nito.

Ngunit iginigiit ni Nograles na sinusubukan lamang protektahan ng Pangulo ang bansa gaya ng isang ‘Father of the family.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *