Umaksyon ang Grab PH matapos silang atakihin ng mga Filipino fans dahil sa mga delivery partners nila!
Matapos matanggap ang galit ng mga Filipino fans ng K-Pop sensation BTS, sinuspinde na ng Grab PH ang mga delivery partners nilang sangkot sa pagbibigay ng homophobic slurs kontra sa nabanggit na grupo.
Nitong Huwebes nagpalabas ng isang statement ang Grab PH na nagsasabing,
“Inclusivity is one of Grab’s core values, and we have zero tolerance policy for inexcusable behaviors.
We have immediately suspended the delivery partners in question and will continue to work hard to maintain an inclusive and diverse platform.”
Nagviral online sa mga Filipino ARMYs (ang pangalan ng fandom ng BTS) ang screenshots ng mga Grab drivers na nagsabi ng mga masasamang tala patungkol sa BTS. Nag-komento ang mga ito sa paparating na spike sa delivery orders ng limited edition BTS meal sa McDonalds at tinawag ang grupo bilang ‘BTS Biot’. Ang biot ay binibigkas bilang ‘bayot’ na Visayan word para sa isang bakla.
Karamihan sa mga fans ay nagpatawag na i-boycott ang Grab PH mismo at mag-order lang diretso sa McDonalds upang makuha ang BTS meals at sa ibang errands.
Ngunit ipinaalam ng Grab PH na sana hindi i-generalize ng customers ang delivery partners nila dahil lang sa insidenteng ito.
Ani nila, “We hope that our consumers will not let the actions of a few select individuals affect the livelihoods of the many delivery partners who rely on Grab platform to support their families.”