Umaarangkada na ang pamamahagi ng cash aid sa mga masisipag na personnel ng MPD!

Inaprubahan na ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang programang pamimigay ng cash allowance sa mga uniformed and non-uniformed na mga kawani ng Manila Police District (MPD) bilang parte ng #BilisKilos initiative.

Matatanggap na ng mga kawani ang cash allowance nila mula sa buwan ng Hulyo hanggang sa Setyembre 2021. Isa sa mga prayoridad ni Moreno at hindi malilimutan ay ang pamamahagi ng cash allowances sa mga MPDs na mga frontliners ng lungsod. Sila ang nangunguna sa pagpoprotekta at paglilingkod sa mga residente kaya naman mas pinagtuunan niya ito ng pansin upang matugunan rin ang kasipagan ng mga kawani ng Maynila. #AkoSiIsko #TayoSiIsko

Leave a Reply

Your email address will not be published.