Ugat ito ng political dynasties, kaya dini-discourage niya ang mga kapatid o pinsan sa pagtakbo

Striktong tinututulan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang nepotism, na ugat umano ng pagkakaroon ng political dynasties sa isang lugar.

Idinagdag niya, hindi niya hinihikayat ang mga miyembro ng kanilang angkan na tumakbo bilang mayor ng syudad.

Ani ni Vico, “Kunyare kapatid ko or someone, I would really strongly discourage them.

Hindi lang dahil hindi maganda tingnan, but ang puso ko para sa Pasig, puso namin ng team namin dito, magkaroon ng iba pang leaders.”

Ang pagpapatigil ng nepotism ay paraan para makahanap pa ng mga future leaders na maaaring pumalit sa posisyon niya bilang mayor.

Idinagdag niya, “Hindi lang naman isang tao ang magaling, e. Hindi lang isang pamilya ang magaling.

Let’s find those young leaders. Let’s find those next generation leaders who will be better than me, who will be better than the leaders that we already have here in Pasig.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *