Tuwa ng mga atleta ng bansa, bumuhos matapos mapanalunan ni Hidilyn ang gintong medalya!

Binaha ng emosyon at pagpupugay sa social media para kay Hidilyn Diaz dahil sa pagkakapanalo nito ng isang gold medal sa Tokyo Olympics.

Si Hidilyn ay mayroong na-set na bagong Olympic record sa pagbuhat niya ng 224kg sa 55kg division ng weightlifting, na nalamangan ang record ni Liao Qiuyun ng China.

Dumagsa ang mga pagpupugay at congratulatory messages para kay Hidilyn, na pinangunahan ni Olympian boxer Eumir Marcial na nagsabing, “Speechless ako ngayon sa sobrang saya.”

Ani naman din ni Kiefer Ravena na, “I’m not crying, you’re crying.”

Ipinahiwatig ni coach Tim Cone ng Barangay Ginebra ang paghanga niya kay Hidilyn, at naipuna rin ang mga napagdaanan nito bago nakuha ang gintong medalya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.