Tumistigo na ang kumuha ng cellphone video ng pamamaril ni Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio sa Tarlac.

Nagtestigo na ang teenager na kumuha ng video sa Regional Trial Court Branch 67 sa Paniqui. Sinabi ng testigo na nakita niya ang pamamaril at pagpatay ni Jonel Nuezca kay Sonya at Frank Anthony Gregorio noong Dec. 20, 2020. I-prenisenta din ng kampo ng mga Gregorio ang cellphone na may video sa korte para maging ebidensya.

Hindi umattend ng personal ang ex-pulis na si Nuezca. Nakakulong ito sa Tarlac jail at via zoom na lang umattend. Sa Marso 11 ang susunod na hearing.

Leave a Reply

Your email address will not be published.