Tumataya si Toto Mangudadatu at mga kasapi ng pamilya nito kay Moreno sa paparating na halalan sa May 2022.

Suportado ni Toto Mangudadatu si Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pagtakbo nito para sa nalalapit na halalan sa May 2022 matapos sumali ang apat na kasapi ng pamilya nito sa partida ng Aksyon Demokratiko.

Sina King Mangudadatu, Yshmael Mangudadatu, Bai Mariam Sangki-Mangudadatu at Sharifa Akeel-Mangudadatu ang bagong nanumpang mga kasapi ng partidang Aksiyon Demokratiko na pinangungunahan din ni Moreno.

Pinagninilayan pa nila Toto Mangudadatu at mga kaalyado nito sa UBJP ang pagsali sa partido. Gayunpaman, suportado na nila ang kandidatura ni Moreno at nais nila itong maupo sa posisyon. Pahayag pa ni Toto Mangudadatu, “Ako’y taga-suporta… Ako naman ay may local party, ‘yung partido ng MILF, ‘yung UBJP.”

Ipinahayag din ni Moreno na lahat ng boto ay mahalaga at malugod niyang tinanggap ang pagsuporta sa kanya ng pamilyang Mangudadatu. Ani pa niya, “If anybody will join us, they are welcome.”

Maliban pa sa mga Mangudadatu, 40 pang mga opisyales sa iba’t-ibang probinsiya ang nanumpa at sumali sa partida ng Aksyon Demokratiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published.