Tumangging tumugon si Ong sa pamamagitan ng isang sulat na ipinadala nito sa gagawing imbestigasyon tungkol sa pananalisi nito sa pamahalaan.

Hindi tinugon ng direktor ng Pharmally na si Lincoln Ong ang closed-door session na isinagawa ng panel para sa imbestigasyon ukol sa pananalisi nito sa pamahalaan. Ito ay matapos na isiniwalat ng kanilang employee na si Krizle Grace Mago ang pananalisi ng kompanya sa pamamagitan ng pagsupply ng substandard face shields na binago ang expiration date.

Ipinahayag ni Ong kanyang pagtanggi sa pamamagitan ng sulat na ipinadala nito sa komite. Ayon sa sulat, ayaw nitong makilahok sa sesyon ayon na rin sa payo ng legal counsel nitong si Atty. Ferdinand Tapacio. Maaalala na ilang ring executives ng Pharmally ang tumanggi sa mga imbitasyon ng komite.

Sa aktong ito, naipapahiwatig ang pag-aalinlangan ng Pharmally na makipagtulungan sa imbestigasyong ginagawa dahil sa takot nitong mapatunayan ang mga iginigiit na anomalya tungkol sa pagbulsa nito ng P11.5 bilyon at ang pananalisi nito sa pamahalaan.

Samantalang ayon sa pahayag ni Richard Gordon tungkol sa pagtanggi nito, hindi siya nababahala. “I don’t need you, Mr. Ong. But you’re going to need help. Ms. Mago, I’ve been kind to you. I hope you come to your senses if you’re hiding. If you’re hiding from the bad guys, tell us, so we can protect you,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *