Tulay at kalsada, ibibida ang ilan sa pinaka-inaabangang priority projects ng DPWH

Ibinahagi ni Department of Public Works and Highways Secretary na si Manny Villar na mayroong 20,000 ongoing infrastructure projects ang departamento sa buong bansa.
Sa isang virtual chat ng ilang media companies kasama ang Secretary, nabigyang diin ni Villar kung paanong priyoridad sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang infrastructure. Makikita umano ito sa kung paanong ang budget ng DPWH ay 5% ng GDP ng Pilipinas, mula sa 2% ng mga nakaraang administrasyon.
Ani ni Villar sa mga bagong proyekto ng departamento, “We’re going to be seeing a new Philippines once this pandemic is over and we start going out of our homes again.”
Nagpa-silip din si Villar sa ilang mga ongoing na proyekto ng departamento nila. Isa rito ang Samal Island – Davao City Bridge na mayroong estimated total length of 3.98 km. Ang aabot sa 30 minutes na byahe sa RORO ay tataya na lamang ng 2-5 minutong byahe.
Sa probinsya naman ng Cebu, mayroong ongoing na Metro Cebu expressway na naglalayong ikonekta ang mga syudad ng Naga at Danao na itinatayang mayroong haba ng 58.84 kilometers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *