Toda sa Bulacan, mahaba pero mga sasakay sana? Wala na.
Nagbahagi ng mga larawan ang tricycle driver na si Eboy Teña kasama ang mga kapwa driver niya sa Brgy. Muzon, San Jose del Monte, Bulacan. Nakapaloob sa mga litrato ang mahabang pila ng toda nila kahit dis-oras na ng gabi.
Ani ng Facebook Post niya, “Walang gaanong kinita sa maghapon, bawi na lang kami sa gabi… Pero ito itsura ng gabi, may inaantay pa kaya kami? Ang haba naming pero alaws tao.”
Pinagdiinan pa niya na malaki nga ang epekto ng pandemya sa paghahanapbuhay niya lalo na dahil nangungupahan pa siya ng bahay.
“Sa ngayon po kasi isahan lang ang pinapayagan isakay namin. At may curfew pa na dagdag pahirap sa amin.
Kumikita po kami sa ngayon ng P400 to P500 kada byahe. Wala na para sa pamilya pang gastos maghapon.”
Gusto naman daw nilang maghabol ng kita sa gabi pero wala nang pasahero na pwedeng pagkakitaan.