Titingnan ngayon ang funding kung makakapagbigay nga ba ng allowance sa mas maraming medical frontliners!
Gusto umano ng palasyo na mas marami nang healthcare workers ang makatanggap ng kanilang Special Risk Allowance (SRA) dahil nasa frontlines ang mga ito, ayon na rin kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Nauna nang ipinagutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM) ang paghahanap ng funds para ipambayad dito.
Ani ni Nograles, “There are some nurses who say they should also be included as COVID-19 continues to spread and they are now directly exposed. They are also qualified.”
Matatandaang nagbabanta na ang mga healthcare workers ng ‘mass resignation’ dahil hindi pa sila nabibigyan ng DOH ng SRA at active hazard duty pay.
Ang Administrative Order No. 4 na nilagdaan ni Duterte noong June 1 ay nagtatakda na ang mga health workers na directly catering sa COVID-19 patients ay makakatanggap ng SRA na aabot sa PHP 5,000 kada buwan.