Tinawanan lang ng nanay ni Mika ang mga tsismis na ito raw ay nabuntis ng nobyong si Nash

Tawa lamang ang sagot ng pamilya ni Mika dela Cruz matapos kumalat ang tsismis na ito umano’y nabuntis ng nobyo na si Nash Aguas.
Ayon kay Angelica Egger, ina ni Mika, “We are not upset actually since we know the truth. We are all laughing about it.”
Idinagdag din niya na hindi umano nagdadalang-tao ang dalaga sa kabila ng misleading na post ni Nash na nagsimula ng tsismis.
Sa isang Instagram post ng aktor ipinakita si Mika na nakakandong sa kanya, habang nakasuot ng puting damit na maluwag sa bandang tiyan. Binigyan niya pa ito ng caption na, “Imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si @mikadlacruz HAHAHAHAHAHAHA SORRY NA LABYU HAHAHA.”
Ani ng acting pair, wala pa silang plano magka-anak dahil sa sila’y bata pa at inuuna ngayon ang kani-kanilang mga career.

Leave a Reply

Your email address will not be published.