Tinatayang tumaas ang presyo ng pangunahing bilihin ng 4.2% nitong January. Pagtaas ng presyo ng pagkain at transportasyon ang dahilan.

Nireport ng PSA na umakyat ang inflation sa bansa from 3.5% nung December sa 4.2% nitong January. Ang dahilan ng pagtaas ay pagtaas daw ng presyo ng pagkain at transportasyon.

Nung nakaraan binahagi ni Secretary Dar ng DA sa Senado na ang pagtaas ng presyo ng baboy at manok ay hindi umano dahil sa mga farmers. Tama daw lamang at naayon sa current supply ang farm gate price ng mga ito. Natuklasan daw nila sa pag-iimbestiga na profiteering ng mga biyahero at traders ang nagpataas ng labis-labis sa presyo.

Ani ni Cabinest Secretary at Chairman ng Task Force Zero Hunger Karlo Nograles na inaaksyonan na gobyerno ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin. Magkakaroon ng Economic Intelligence Taskforce para mahuli ang profiteers, hoarders at smugglers ng agricultural products. Bahagyang tataasan din ang volume na pwedeng iangkat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *