Tinatayang mayroong PHP 2 billion ang nalo-‘lose’ ng Pilipinas kada araw dahil sa pandemya, ayon kay Presidente Duterte

Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nasa masamang pwesto dahil umano as COVID-19 pandemic, ngunit ginagawa ng gobyerno ang makakaya nito upang hindi mapasama lalo, ayon kay Presidente Duterte.

Ani niya, ang bansa ay nawawalan ng PHP 2 billion kada araw dahil sa pandemya, at ito umano’y mapupunta sana sa sweldo ng mga empleyado ng bansa kung hindi lamang naistorbo ang mga gawain sa ekonomiya ng bansa.

Iginiit ni Duterte na ang ekonomiya naman ng bansa ay maganda ang kalagayan kaso dumating lamang ang pandemya at nalimitahan ang state revenues. Ipinaalala rin niya na kahit mayroong slowdown sa ekonomiya, huwag daw ituon ang atensyon sa paghihirap lamang dahil ginagawa ng gobyerno ang makakaya nito upang makakuha na ng bakuna.

Idinagdag pa niya na huwag nang ipaalala sa isa’t isa kung gaano ka-hirap ang bansa dahil, “We’re still alive… Let us just hope for the best.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *