Tinatanggi ng pulisya na may kinalaman sila sa namatay matapos ang testament ng pamilyang pinarusahan siya ng mga ito!
Patay si Darren Peñaredondo matapos maaresto ng mga tanod sa kanilang barangay dahil sa umano’y paglabag nito sa curfew noong Abril 1.
Ayon sa live-in partner ng biktima na si Reichelyn Balce, lumabas lamang ang partner niya para bumili ng mineral water pero hinuli nga ito saka dinala sa General Trias Police Station.
Ipinaalam nito na ang mga naaresto ay inuutusang gumawa ng pumping exercises ng aabot sa 100 na ulit, pero dahil hindi sabay sabay ang mga violators ay umabot ito ng 300 rounds.
Mayroong heart disease si Peñaredondo, at noong Sabado ay nagkaroon na ng seizures. Dinala ito sa ospital, ngunit doon na rin binawian ng buhay.
Itinanggi ni General Trias Police chief Police Lieutenant Colonel Marlo Solero ito, na ang punishment lamang na kakaharapin ng mga violators ay community service. Bukas umano sila sa kahit anong imbestigasyon sa insidente.